-- Advertisements --

Naniniwala ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na mas lalakas pa ang kapasidad ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa ginawang pagpirma ng kasunduan nila ng Department of Agriculture at Pampanga State Agricultural University (PSAU).

Ayon sa BCDA na sa nasabing kasunduan ay magtatayo ng 10 hektarayang ethnobotanical learning facility sa New Clark City.

Sa nasabing proyekto ay ipinapakita ang kahalagahan ng kontribusyon ng mga magsasaka.

Layon din ng nasabing kasunduan ay para magamit ang mga lupain na nakatingga lamang ay magiging produktibo na ito.

May malaking pakinabang dito ang mga katutubong aeta para maipakilala ang kanilang mga produkto.