Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tinututukan ng kaniyang administrasyon ang mga infrastructure projects sa MIMAROPA Region na layong palakasin ang ekonomiya ng rehiyon.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lamang sa social services nakatutok ang gobyerno.
Pinangunahan ng Pangulo ang distribusyon ng presidential assistance sa Puerto Princesa, Palawan ngayong araw July 18.
Sinabi ng Pangulo kabilang sa mga infrastructure projects sa rehiyon ang Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project sa Aborlan, na nasa 95.15% na ang completion rate.
Nariyan din aniya ang road widening ng Dr. Damian Reyes Road sa Marinduque, na nasa 45.45 % na ang completion rate.
Ang Balabac Military Runway, nasa 89.30% naman nang kumpleto.
Bukod dito, mayroon na rin aniyang on going negotiation sa pribadong sektor para sa planong Puerto Princesa Airport Development Project, upang mapa-igting ang airport facilities at services.
Para naman saPag-asa Island Airport Development Project, on going na ang procurement ng lupa para sa runway extension. Sa oras na maisakatuparan ito, mas magiging episyente ang pag-byahe sa isla.
Sabi ng pangulo, ang mga priority infrastructure projects na ito, inaasahang magbu-bukas pa ng mga bagong pamunuhunan sa rehiyon, magpapadali ng pag-biyahe, at magpapatatag ng turismo.