LEGAZPI CITY- Positibo ang ilang mga Pilipino na magkakaroon ng epekto ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos sa susunod na linggo sa pagpapataas ng halata ng piso kontra dolya.
Ito matapos na sumadsad sa all-time low ang piso kontra US dollar.
Ayon kay Bombo International Correspondent Marlon Pecson, maaaring makatulong kung mahihikayat ng pangulo ang mga US investors na mag-invest sa Pilipinas.
Aniya, sa kasalukuyan kasi ay nasa ‘wait and see situation’ pa ang ilang mga foreign investors dahil sa political uncertainty sa ilalim ng Marcos administration.
Posible umanong mahikayat na magpasok ng puhunan sa bansa ang mga US investors kung mapapalakas ang economic ties sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Samantala ayon kay Pecson, isa pa sa mga nagdudulot ng pangamba sa mga investors ay ang posibleng epekto sa bansa ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Dahil dito ay kailangan aniyang kalimutan na ang political differences upang matulungan ang mga mamamayan na apektado ng kasalukuyang lagay ng ekonomiya ng bansa.