Naka sentro sa pagpapalakas sa airpower capability ng Pilipinas ang isinagawang Command Conference ng Philippine Air Force (PAF) na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Sa nasabing pulong nagbigay ng mga insights at rekomendasyon ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang Philippine Air Force (PAF) kay Pangulong Marcos hinggil sa kanilang mga aktibidad at plano sa pagtugon sa kanilang mandato bilang air arm ng national defense.
Inilatag din ng militar ang kanilang mga gagawing hakbang para palakasin ang airpower capability para sa epektibong pagbabantay at pag depensa sa bansa at pagtugon sa anumang hamon sa seguridad at maging sa panahon ng kalamidad.
Ang Command Conference ay dinaluhan din ng mga Senior officials mula sa Malacañan, Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Philippine Air Force kay Pang. Marcos sa kaniyang guidance at engagements at umaasa sa patuloy na pagsuporta nito sa modernization efforts ng AFP partikular sa Philippine Air Force (PAF).