Naniniwala si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na ang pagpapalakas sa climate-resilient practices ng Pilipinas sa agrikultura ay makakatulong para mapatatag pa ang regional food security.
Reaksiyon ito ni Cong. Lee sa naging mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa ASEAN Summit sa Cambodia kung saan nananawagan ito sa mga world leaders na palakasin ang food security sa East Asian region.
Ayon kay Rep. Lee panahon na rin na palakasin ng Department of Agriculture ang Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) and the Systems-wide Climate Change Office (DA-SWCCO) at paigtingin ang implementasyon ng climate-resilient agriculture.
Ipinunto ng mambabatas na ang Agriculture ang Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) at ang Systems-wide Climate Change Office (DA-SWCCO) ay dapat mabigyan ng sapat na legislative and budgetary support para tulungan ang community-level research and development interventions, partikular sa 17 pilot sites ng nasabing programa.
Sabi ni Lee kung nais maging matagumpay ang programa kailangan masiguro na mayroong sapat na kagamitan, kaalaman, at kakayahan.
Banggit ni Lee, batay sa DA na nagpapakita na mayroon nang ebidensya ng on-field adoption ng climate-resilient agriculture (CRA) na mga gawi ng mga maliliit na magsasaka sa aquaculture system, livestock system, vegetable production, integrated farming system, at mais at palay paglilinang.
Sinabi rin ng mambabatas na ayon sa DA, ang climate change at variability ay tinatayang gagastos sa ekonomiya ng Pilipinas ng humigit-kumulang P26 bilyon taun-taon pagsapit ng 2050.
Pagbibigay diin ng mambabatas na para sa kapakanan ng lahat at maging ng mga susunod na henerasyon, na kumilos at kaagad ng tugunan ang pagbabago ng klima.