Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi nakatuon sa anumang bansa ang tuloy tuloy na pagpapalakas sa defens capabilities ng bansa.
Itoy matapos binigyang diin ng Palasyo na suportado ng Marcos administration ang napapanahong pag kumpleto sa Horizon 3 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program upang bumuo ng mas kapani-paniwala at maaasahang defense posture para sa bansa.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag kasunod ng nagging pahayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner balak nilang bumili ng dagdag na missile systems, warships at fighter jets upang palakasin ang kakayahan ng bansa para pigilan ang mga pagbabanta.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, nais ng Pangulong Marcos na mabili ang mga kinakailangang kagamitan para sa AFP.
Gayunpaman sinabi ni Castro naka depende ito sa budget ng gobyerno at aprubahan ng Kongreso.
Nilinaw din ni Castro na ang pagpapalakas sa kapabilidad ng AFP ay hindi para targetin ang anumang bansa.
Ito’y sa kabila ng pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Amb. Jose Maria Romualdez na ang pagiging agresibo ng China ang dahilan kung bakit nais ng gobyerno bumili ng F-16 fighter jets sa Amerika.
Sinabi ni Castro na nagkataon lang na may isyu ang Pilipinas a China sa planong pagbili nito ng fighter jets.