-- Advertisements --
francis tol tolentino

DAGUPAN CITY – Nangako si dating MMDA chairman at Presidential Political Adviser Francis “Tol” Tolentino na mas patitibayin pa nito ang mga istruktura kontra sa kalamidad.

Kasunod na rin ito ng pagkakaproklama sa kanya bilang isa sa mga winning senators ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Tolentino, ngayong pormal na siyang naiproklama bilang isa sa mga nanalong senador sa nagdaang May 13 elections, asahan na umano na mas pagtitibayin pa niya ang disaster management na mayroon ang bansa.

Aniya, uumpisahan na nito ang ang pagpapatayo ng mas matataas at matibay na kalidad na mga proyektong imprastruktura sa iba’t ibang rehiyon at probinsya lalo na’t buhay at bilyon-bilyong ari-arian ang taunang nasisira ng mga tumatamang bagyo, lindol, sunog at tsunami.

Bukod pa rito, tututukan din umano ng bagong halal na senador ang pagsasaayos sa istruktura ng pamayananan, tamang paggamit sa mga lupain, maayos na transportasyon pati na ang maayos na sistema ng pagkolekta at pagtatapon ng basura.

Giit pa ni Tolentino, dapat aktuwal na maramdaman ng tao ang mga programa at proyekto ng isang lider at hindi puro salita lamang.

Binigyan diin din niya na kanyang tutuparin ang mga ipinahayag at binitawan nitong pangako noong panahon ng pangangampanya.

Si Tolentino ay nasa ika-siyam na pwesto ng mga nanalong senador at nakakuha ito ng boto na 15,510,026.