-- Advertisements --
ASEAN LEADERS

Pinuri ng isang economic adviser ang mga leaders ng 10-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay sa kanilang pinalakas na ang “entrepreneurship” ang tunay na makina sa paglago ng isang bansa.

Ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at digitalization ang tinitingnan ng mga bansa para sa economic recovery at pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon.

Sinabi ni Joey Concepcion, Go Negosyo founder and ASEAN Business Advisory Council (BAC) Chair for the Philippines na para sa Pilipinas, na natutuwa siya na kinilala ng mga lider ng ASEAN ang entrepreneurship bilang pangunahing driver ng ekonomiya ng ASEAN, at ang pagtulong sa mga negosyante ay magiging mahalaga sa pagkamit ng inklusibong paglago sa rehiyon sa dalawang araw na top-level na pagpupulong sa ASEAN 2022 Summit sa Cambodia.

Binigyang-diin din ni Concepcion, isang dating economic adviser noong administrasyong Duterte at miyembro ng private sector advisory council sa kasalukuyang administrasyon, na ang MSMEs ay binubuo ng 99 porsiyento ng lahat ng mga establisyimento, nag-aambag ng 85 porsiyento ng mga trabaho, at 45 porsiyento ng gross domestic product (GDP).

Pinuri rin nito ang pagkilala ng mga pinuno sa kanilang papel na dapat gampanan ng mga pamahalaan sa pagtulong sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Napag-alaman na nagpahayag din si Marcos ng tiwala sa mga region’s small and medium businesses.