Inihayag ni Pang. Ferdinand MArcos Jr., na ang pagpapalakas ng Pilipinas sa military capability nito ay para idepensa ang bansa laban sa anumang agresyon mula sa ibang bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa Shangri-La Dialogue sa Singapore kaharap ang mga lider at defense ministers ng ibat ibang bansa sa mundo.
Sinabi ng Pang Marcos, na nasa proseso ngayon ang Pilipinas sa paghahanap ng suppliers para sa modernization program Horizon 3 ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Aniya, ang ganitong hakbang ng Pilipinas ay magbibigay ng magandang defense posture sa bansa sa ilalaim ng Unilateral Defense Plan.
Binigyang-diin ng Pangulo na target ng kaniyang administrasyon bago ito bumaba sa pwesto ay mapalakas ang depensa ng bansa dahil ang depensa sa teritoryo ay siyang responsibilidad ng gobyerno.
Siniguro din ng Presidente na hindi niya papayagan na may sundalo pam coast guard personnel ang masusugantan kaya mas paiigtingin pa nito ang presensiya sa West Phl Sea.