Pabor si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na armasan ang reserved force ng Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang mga ROTC graduates kung lalala ang problema sa terorismo sa bansa.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng Department of National Defense (DND) palakasin ang pwersa ng Reservist.
Sinabi ni Lorenzana, napapanahon na rin ito dahil karamihan na sa bilang ng mga reservist ay may edad na.
Aniya, isa sa naging dahilan ng pagkaunti ng reservist ay dahil sa pag abolished ng Mandatory Reserved Officers Training Course o ROTC nuong 2002.
Pahayag ng kalihim na kailangan aniya ng AFP ng mga nakababatang reservist para magamit ng AFP na pandagdag na pwersa bilang force multiplier.
Ibinunyag din ni Lorenzana na may mga reservist na nagamit ang AFP nuong kasagsagan ng Marawi siege.
Naniniwala ang kalihim na malaking tulong ang mga reservist na makakatuwang ng AFP sa pagbibigay ng seguridad sa bansa.
Plano ngayon ng DND ang makapagpatayo ng gusali at magkaroon ng sapat na kagamitan para sa mga reservist.