-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Buo ang paniniwala ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu na mapalawog ang Bangsamoro Transition Authority hanggang 2025.

Sinabi ni Mangudadatu na sa kongreso aniya ay marami na sa kanyang kasamahan ang nagpahayag ng pasuporta sa pagpapalawig ng BTA.

Hindi titigil si Mangudadatu na himukin si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa mapa oo nya ito para sa kapayapaan .

Ang Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao aniya ay bunga ng dugo,pawis kayamanan ng mga mujahideen.

Ang Barmm ay para sa mga taong naninirahan sa Bangsamoro homeland na ipamana sa susunod na henerasy0n.

Todo pasasalamat naman ang ibat-ibang sector ng Bangsamoro sa adhikain at patuloy na pagsulong ni Mangudadatu na mapalawig pa ang BTA.