Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa senado ang Senate Bill 2028 na nagpapalawig sa Centenarian Acts of 2016.

Kung saan ang nasabing Centernarian Acts of 2016 ay nagbibigay ng P100,000 sa mga mamamayan na umabot sa 100 taon ang edad at sa bagong Senate Bill 2028 ay tatanggap naman ng P10,000 ang mga Pinoy na aabot sa 80 ang edad habang P20,000 naman kapag umabot sa 90 ang edad.

Kuwalipikado rin aniya ang mga Pinoy na nasa labas ng bansa.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian ang co-author ng panukal na mabibigyan ng kasiyahan ang mga Pinoy na aabot sa nasabing edad dahil sa bibihira lamang ang umabot sa edad 80 at 90.