-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nangangamba sa ngayon ang mga overseas Filipino workers (OFW’s) sa kanilang kalagayan matapos na palawigin ang lockdown sa Dubai, United Arab of Emirates dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bombo International Correspondent Jeffrey Fuentes, tubong bayan ng Libacao, Aklan, kapag tumagal pa ng ilang linggo ang lockdown sa lungsod ay maaaring gutom ang kanilang aabutin.

Wala na aniya silang trabaho matapos na magsara ang pinapasukang kompanya kung saan, umiiral ang “no work, no pay” policy.

Maliban dito, wala din silang natatanggap na ayuda mula sa gobyerno ng UAE kaya umaasa na lamang sila tulong mula sa mga kapwa Pilipino.

Sa kasalukuyan, limitado ang galaw ng mga residente at mahigpit na ipinapatupad ang physical distancing upang maiwasan mahawa sa virus.

Lahat ng mga tao aniya ay sumusunod sa umiiral na batas sa takot na mapatawan ng kaukulang parusa.