-- Advertisements --

Nananatiling imposible ang pagpapalawig pa ng oras ng operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 ayon kay Department of Transportation ASec. at MRT-3 officer in charge Jorjette Aquino.

Paliwanag ng opisyal hindi nila mapapalawig pa ang revenue hours ng MRT-3 dahil nangangahulugan aniya ito ng pagsasakripisyo ng maintenance ng rail system.

Sinabi pa ng opisyal na ang window period ang pinakamaikling oras na maibibigay ng pamunuan ng MRT-3 para sa maintenance activities.

Ginawa ng MRT official ang pahayag kasunod ng direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palawigin ng isang oras ang huling biyahe ng MRT-3, sa LRT Line 1 at 2 gayundin sa Philippine National Railways upang maserbisyuhan ang mga mananakay ngayong holiday season.

Sa kasalukuyan, ang huling biyahe sa tren ay dakong 9:30 pm mula sa North Avenue station at 10:09 pm naman mula sa taft Avenue.

Hbaang ang window period naman na mula 11pm hanggang 4am ay naka reserba para sa maintenance ng rail system partikular ng train sets.