Posibleng palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Abril 30 ang ipinapatupad nitong Luzonwide enhanced community quarantine.
Sa kaniyang nationwide address nitong Lunes ng gabi, ito ang nakikita nilang paraan para tuluyang malabanan ang pagkalat ng nasabing coronavirus.
Patuloy pa rin ang panghikayat niya sa mga mamamayan na manatili sa loob ng kanilang bahay para hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Tiniyak nito na ginagawa ng gobyerno ang kanilang makakaya para tuluyang maibsan ang pagkalat ng virus.
Kasabay nito na hinikayat din nito ang Department of Finance na gumawa ng paraan para makahanap ng pondo sa pagtulong sa mga naapektuhan.
Pinag-aaralan din ng pangulo ang naging apela ni Governor Junvic Remulla ng Cavite na tulungan din ang mga middle class income earners na kung maari ay matulungan din sila ng gobyerno gaya ng tulong na natatanggap ng mga mahihirap.