Magkasunod na inaprubahan na ng Senado at House of Representatives sa kanilang hiwalay na sesyon ang panukalang batas na nagpapalawig ng voters registration.
Ang Senate Bill 2408 at House Bil 10261 ay inaprubahan ng lahat ng mga senador habang nakakuha naman ng 193-0 votes sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Ang panukalang batas ng Senado ay nagpapalawig ng voters registration ng hanggang Oktubre 31, samantalang ang bersiyon ng Kamara ay may extension ng huling registration ay magiging epektibo 30 araw kapag naisabatas na ito.
Ayon sa isa sa main sponsor na si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, susundin nila ang naturang bersiyon ng Kamara.
Ang final version ng panukala ang ipapadala kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapirmahan.
“Hopefully the president will sign this request,” giit pa ni Zubiri.
Tinawag ni Speaker Lord Allan Velasco ang pagpasa ng panukalang batas bilang hakbang para maiwasan ang voter disenfranchisement.
Nauna nang sinabi ng Comelec na malabo nilang mapalawig ng isang buwan ang voters registration dahil masisira na ang kanilang calendar of activities.
Sa paliwanag naman ng mga senador ang naunang itinakda ng Comelec na September 30 deadline ay wala pa raw noon COVID pandemic.
Anila, kailangan daw magkaroon ng adjustment upang mabigyan ng pagkakataon ang mga unregistered na makarehistro at makaboto.
“In this connection, Comelec could not have anticipated the adverse impact of the pandemic on voter registration and must make the necessary adjustments to allow more unregistered potential voters to register. In fact, voter registration was suspended several times due to the adverse effect of Covid-19,” pahayag pa ng mga senador. “Given the extraordinary circumstances of the pandemic, it is necessary to extend the voter registration, in order to give unregistered Filipinos of voting age ample time to register, and eventuality exercise their constitutional right to vote.”