LEGAZPI CITY – Naniniwala ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na posibleng may kaugnayan sa pagpapalaya sa tatlong political prisoners ang pamamaril-patay sa dalawang human rights workers sa Barangay Cabid-an, Sorsogon.
Maalalang pinagbabaril patay sina Ryan Hubilla, 22-anyos at Nelly Bagasala na miyembro ng grupong Karapatan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Atty. Bart Rayco ng NUPL, isa umano si Ryan sa mga tumulong sa kanya noong Abril 21 upang tumayo bilang abogado sa tatlong political prisoners sa Pilar na kinalaonan ay pinalaya rin.
Nabatid na pumunta lamang sa lugar ang mga biktima upang magbayad sa van na ginamit sa hearing ng pagbabarilin ng isang lalaki na may dalang mahabang baril.
Hinihintay na sa ngayon ng mga otoridad ang testimonya ng testigo sa pangyayari habang pinag-aaralan na rin ang kuha ng CCTV sa insidente.