-- Advertisements --

Nakatakda mapalaya ang nasa 5,000 hanggang 10,000 na mga persons deprived of liberty (PDLs) bago mag pasko ngayong taon ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Ito’y base sa bagong implementasyon ng Rules and Regulations (IRR)  ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na under ng Republic Act No. 10592 kung saan binabawasan nito ang taon ng pananatili ng mga PDL sa bilangguan.

Noong Disyembre 2, nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at kapatid nitong si Local Government Secretary Jonvic Remulla ang revised IRR.

Base sa huling ruling ng Supreme Court (SC) tungkol sa IRR ng RA 10592, pinapayagan nang makapag apply ng GCTA ang mga PDL na nakagawa ng heinous crimes.

Bago kasi ang pinal na ruling ng SC maalalang ang mga nakagagawa ng heinous crime ay hindi maaaring makapag apply ng GCTA.

Samantala, 500 na kabuuang total na ang napapalaya ng BuCor sa iba’t-ibang piitan sa bansa simula noong Oktubre 22, taong kasalukuyan kung saan kasama rito ang bagong napalaya na 104 PDLs nitong araw ng Lunes. 347 dito ang nakapag served ng maximums sentence, 110 ang na acquitted, 21 ang nakakuha ng probation, 20 ang nakakuha ng parole at isa ang pinayagan makapag piyansa.