-- Advertisements --
Nakahanda umano ang United States na tulungan ang Canada upang tuluyan nang mapalaya ang Canadian citizen na kasalukuyang nakakulong sa China.
Ito ay matapos pag-usapan nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at US President Donald Trump patungkol sa pagkakakulong ng executive official ng isang Chinese telecommunication company na nagsimula ng krisis sa pagitan ng Ottawa at Beijing.
Isa rin daw sa napag-usapan ng dalawang pinuno ay ang isyu patungkol sa pagtaas ng taripa ng Washington sa pag-export ng Canada sa mga steel at aluminum noong nakaraang taon na nag-ugat din sa national security concerns sa bansa.