-- Advertisements --
Lusot na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapaliban sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa susunod na taon.
Sa isinagawang botohan sa mataas na kapulungan ng Kongreso, 21 mga senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 1043.
Sa ilalim ng panukala, mula sa May 2020, gaganapin na sa Dec. 5, 2022 ang nasabing halalan, na pitong buwan makalipas naman ang halalang pampanguluhan.
Magkakaroon din ng holdover capacity na ibig sabihin ay mananatili muna sa puwesto ang mga incumbent officials hangga’t wala pang bagong naitatalaga sa tungkulin.
Samantala kung sakali ito na ang ikatlong beses na postponement ng barangay at SK elections sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.