-- Advertisements --
Ikinabahala ng Japan ang muling pagpapalipad ng North Korea ng ballistic missiles.
Ayon sa Defense Ministry ng Japan na ito na ang pangalawang beses na nagsagawa ng missile launch ang North Korea.
Bumagsak umano ang nasabing missile sa labas ng karagatang bahagi ng exclusive economic zone ng Japan.
Maging ang South Korea ay kinumpirma ang panibagong missile launch ng North Korea kung saan sinabi nila umabot ng hanggang 400 kilometers ang nasabing missiles.
Isa umano itong Hwasong 11- missiles ang ipinalipad ng North Korea.
Magugunitang ipinakita ni North Korean lider Kim Jong Un ang pagpapalakas ng paggawa nila ng uranium facilities na siyang sangkap sa paggawa ng mga nuclear weapons.