Nilinaw ng Philippine National Police na walang bahid-pulitika ang ginawang reorganization sa pulitika sa Davao City.
Maalalang naging sentro ng balita ang naturang lungsod matapos magpalitan ng tatlong magkakasunod na hepe sa City Police Office.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, walang anumang ‘unusual’ o kakaiba sa nangyaring pagtatalaga ng tatlong opisyal sa naturang lungsod sa iisang araw lamang. Nangyayari din ito aniya sa PNP unit.
Pinayuhan din nito ang publiko na huwag ikonekta ang naturang insidente sa anumang political situation.
Unang itinalaga sa Davao City PO si Col. Lito Patay upang magsilbing officer-in-charge. Habang nagsasagawa ng command conference ang bagong hepe, nakatanggap siya ng impormasyon na papalitan na siya ni Col. Sherwin Butil.
Gayonpaman, hindi rin nagtagal si Col. Butil sa pwesto dahil agad din siyang pinalitan ni Col. Hansel Marantan.
Ayon kay Fajardo, alam ng marami ang kalidad ni Col. Marantan at walang ibang dahilan sa kanyang pagkakatalaga sa pwesto maliban sa kanyang kwalipikasyon.
Ang Davao City ay ang balwarte ni dating PRRD.