BOMBO DAGUPAN – Hindi na umano ikinagulat ng isang political analyst ang nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon Atty. Michael Henry Yusingco, ang isinusulong na UniTeam ay alyansa ng mga malalaking political dynasties at hindi ito pagsasama-sama ng mga naniniwala sa iisang idelohiya kundi ito ay isang transaksyunal na alyansa kung saan ang ikokonsidera lamang nila ay kung ano ang makukuha nila.
Ang dahilan kung bakit unti unti nang humihiwalay ang mga kabilang sa nasabing alyansa ay marahil dahil sa hindi na nila nakukuha ang kanilang nais kaya’t nagtataguyod na sila ng kanilang sariling posisyon.
Nito lamang nagdaang weekend, nagkaroon ng kampanya ang Bagong Pilipinas na panig ng administrasyong Marcos at magkahiwalay namang nagdaos ng kampanya ang panig naman ni dating pangulong Duterte na kung tawagin ay Southern side.
Sa naging talumpati ng dating pangulo, naglalaman ito ng ilang mga paninirang puri laban kay Marcos gaya na lamang ng nasa listahan umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ni Marcos na itinanggi naman ng ahensya.
Gayundin ang pahayag ni Baste Duterte na wala umanong utang na loob ang pangulo dahil naipalibing ang kaniyang ama sa libingan ng mga bayani noong administrasyon ni Duterte.
Komento naman dito ni Yusingco, tila nagkakasulian na sila ng kandila ang dalawang panig.