Nagbabala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na magkakaroon ng economic instability kapag bibigyan ang Kongreso ng kapangyarihan na padaliin ang cap sa foreign ownership sa mga negosyo.
Ito ay matapos na maaprubahan sa komite sa Kamara noong nakaraang linggo ang proposed amendments sa 1987 Constitution kabilang na ang probisyon na magbibigay sa Kongreso ng naturang kapangyarihan.
“For every Congress, there’s a possibility the rules of the game will change depending on who is lobbying Congress to pass this particular bill,” ani Zarate.
Nanindigan ang kongresista na nanatiling liberal pa rin naman ang ekonomiya ng bansa kahit mayroon pa ring restrictions sa foreign ownership.
Iginiit ni Zarate na sadyang mayroong mga protectionist provisions sa Saligang Batas para matulungan ang bansa na magkaroon ng stable na ekonomiya.