-- Advertisements --

Inalmahan ng Department of Health (DOH) ang pagpapangalan ng COVID variant sa bansa kung saan ito unang natukoy para umano maiwasan ang diskrimasyon.

Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DOH technical working group na nakatuon sa mga bagong coronavirus variants, noong nakaraang buwan ay nakumpirma na ang mutation ng N501Y at E484K sa Central Visayas at tinawag na P.3 variant.

Pero sinabi nito na nais ng DOH na iwasan ang pagtawag rito bilang “Philippine variant.”

“Ayaw na natin yung practice na ginagamit yung pangalan ng isang lugar to assign the name of the virus or the variant kasi nga nakaka-cause ng discrimination dun sa mga nanggagaling sa bansang ‘yun,” wika ni Ong-Lim sa Laging Handa public briefing.

Una nang kinumpirma ng DOH na nakita sa isang returning overseas Filipino mula Western Visayas an P.1 variant na unang na-detect sa Brazil.

Gayunman, inihayag ni Ong-Lim na kulang pa ang datos sa ngayon kung mas nakahahawa ang P.3 variant.

“Upon verification with the Phylogenetic Assignment of Named Global Outbreak Lineages (PANGOLIN), the said samples with these mutations have been reassigned to the P.3 variant, belonging to the B.1.1.28 lineage, to which the P.1 variant also belongs,” saad ng DOH.

“Thirteen additional cases were detected in this batch which bring the total P.3 variant cases in the country to 98.”

“The DOH, UP-PGC, and UP-NIH emphasize that at present, the P.3 is NOT identified as a variant of concern as current available data are insufficient to conclude whether the variant will have significant public health implications,” dagdag nito.