-- Advertisements --
image 338

Tinututukan ngayon ng Maritime Industry Authority 11 (Marina 11) ang pagpaparehistro ng mga bangka na ginagamit para island hopping at iba pang tourism activities sa rehiyon.

Ito ay kasunod na rin ng pagbabalik sigla ng turismo sa Davao Region.

Inihayag ni Marina 11 regional director Liza Orongan na naglilibot na sila sa buong rehiyon para i-rehistro ang mga bangka na ginagamit sa turismo.

Sinabi ng opisyal na dapat may prangkisa ang lahat ng mga bangka na para sa tourism recreational activities at lisensyado ang nagmamando nito, bago ito sakyan ng mga turista.

Sinabi ng opisyal na dapat may prangkisa ang lahat ng mga bangka na para sa tourism recreational activities at lisensyado ang nagmamando nito, bago ito sakyan ng mga turista.

Ayon kay Orongan na importante na may prangkisa mga nasabing bangka at lisensyado ang mga nagmamaneho dito para may obligasyon ang mga may ari nito kung may disgrasaya mang mangyari.

Paliwanag ng opisyal na kapag walang prangkisa ang nasakyang bangka, wala itong makukuha na anumang claims dahil wala naman itong insurance.

Kaya panawagan nito sa mga turista na siguruhin na may prangkisa ang nga sasakyang bangka kung saan naka-post ito sa loob ng nasabing sasakyan para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Sa ngayon, nakikipagtulungan na sa Philippine Coast Guard ang ahensya para hulihin ang mga bangka na walang prangkisa.