-- Advertisements --
image 89

Suportado ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na gawing online ang pagpaparehistro ng SIM Card, base sa SIM Card Registration Law.

Ayon sa mambabatas, pinakamadali at magandang option na ang online registration upang hindi dagsain ng tao ang mga Public Telecommunication Entity (PTE).

Una nang sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na posibleng gawin nilang online ang SIM registration upang maiwasan ang mahabang pila sa mga Public Telecommunication Entity (PTE).

Magugunitang, sa ilalim ng SIM Card Registration Law, aatasan ang end user na magparehistro sa kaukulang Public Telecommunication Entity (PTE) bago tuluyang ma-activate ang kanilang SIM, kasama dito ang prepaid SIM owners bago napagtibay ang batas.

Batay sa datos, mayroong higit sa 150 million SIM Card owners sa bansa.