-- Advertisements --
BAGUIO CITY–Naitakda na maipapatupad ngayong taon ang planong pagpapaganda o pagpapasaayos ng Old Magsaysay Building sa Magsaysay Avenue, Baguio City.
Ayon kay Engr. Nazita Banez, pangulo ng City Buildings and Architectures Office (CBAO), dalawang taon na naideklarang hazardous ang Old Magsaysay Building.
Dahil dito, naitakda ang demolisyon sa nasabing establishimiento at nakaplano na maipapatayo ang bagong gusali sa Oktubre.
Sinabi niya na ang P20-million na pondo ay para sa pagpapasaayos ng establishimiento at posible na aabot sa walong buwan ang pagsasaayos nito.
Ipinasigurado niya na huwag mangamba ang mga commerical space owners sa nasabing gusali dahil mayroong mga nakahandang plano ang gobyerno para sa mga ito bago ang rehabilitasyon.