-- Advertisements --
PMA CADET
Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagalak ng pamilya Dormitorio ang utos na isailalim sa court martial ang pitong upperclass cadets ng Philippine Military Academy (PMA) na tinukoy na umano’y mga responsable sa pag-hazing kay Cadet 4th class Darwin Dormitorio na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Inihayag ni Dexter Dormitorio sa Bombo Radyo na makakatulong ito upang hindi makatakas sa paglilitis ang mga suspek.

Kanyang sinabi na maliban sa hustisya, patuloy nilang isinusulong ang pagbura ng kultura ng hazing sa loob ng akademya.

Samantala, nagbigay linaw naman ang pamilya Dormitorio kung bakit hindi nila sinampahan ng kaso ang mga dating opisyal ng akademya na sina resigned PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at dating Commandant of Cadets Brig Gen Bartolome Vicente Bacarro.

Ayon kay Dexter masasayang lamang ang kasong kanilang isasampa dahil sa kawalan ng mabigat na ebidensya laban sa mga ito.