Nakahanda ang Senate committee on justice na sagutin ang anuman direktiba ng korte sakaling maglabas na ng pasya ukol sa hirit na petition for writ of habeas corpus ng tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).
Kabilang sa mga humiling na maiharap sila sa korte ay ang legal chief ng BuCor na si Atty. Frederick Anthony Santos, records section head Ramoncito Roque at Dr. Ursicio Cenas.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, malayang maghanap ng legal options ang mga tauhan ng BuCor.
Inaasahan na raw nila ang mga ganitong hakbang ngunit hindi sila titigil sa imbestigasyon hanggang hindi lumilitaw ang katotohanan.
Samantala, bantay sarado naman ng Senate Sergeant at Arms ang original copies ng mga carpeta o record ng mga bilanggo na nabigyan ng good conduct time allowance (GCTA).
Wala namang inaasahang bagong testigo bukas sa nakatakdang hearing.