VIGAN CITY – Naniniwala si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na may halong pandaraya ang pagpapalabas National Telecommunications Commission ng cease and desist order sa ABS CBN.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Atienza, sinabi nito na nangako noon ang NTC na kanilang bibigyan ng provisional authority to operate ang Lopez-led company.
Ikinakalungkot aniya nila ang biglaang pagbaligtad ng NTC sa commitment nito sa Kongreso.
Gayunman, kaialngan na aniya na kumilos ang Kongreso ukol dito matapos na upuan ang franchise renewal application ng media giant sa mga nakalipas na taon.
Iginiit din ng kongresista na pagyurak sa malayang pagpapahayag ang ginawa ng NTC kaya narapat lamang umanong umapela ang network kay House Speaker Alan Cayetano at pati na rin sa NTC.