-- Advertisements --
lotto closure albayalde

(Update) BAGUIO CITY – Pinangunahan ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang pagpapasara sa 12 mga outlets ng lotto at iba pang gaming schemes sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Baguio City.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Duterte na itigil ang lahat ng uri ng laro o sugal sa ilalim ng PCSO dahil sa korapsyon.

Napag-alaman na nagtungo sa Cordillera ang PNP chief at asawa nito para pangunahan din ang pagpapasinaya sa Police Regional Office Cordillera Officer’s Ladies Club Office at sa isang Day Care Center sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

Pinuntahan at ipinasara ni Albayalde ang mga PCSO outlets sa General Lim Street, Maharlika Building, BAMARVA, Agrix Building, Slaugther Compound, Rimando Road, Caguioa Street, Bonifacio Street, Centermall, Session Road at SM-Baguio.

lotto outlet closed

Masinsinang kinakausap at ipinaliwanag ng PNP chief sa mga staff ng mga PCSO outlets ang direktiba ni Pangulong Duterte.

Pagkatapos nito ay mismong si Gen. Albayalde rin ang naglalagay ng placard na may markang “closed” sa mga nasabing outlets.

Gayunman sa kasagsagan ng operasyon ay may isang outlet ng Keno na nadiskobre na walang accreditation mula PCSO ngunit may business permit mula sa lokal na pamahalaan.

Wala namang naging problema sa nasabing operasyon dahil boluntaryong sumunod ang mga staff ng mga naiparasang PCSO outlets.

Samantala, muling ipinaalala ni Albayalde sa mga hepe ng mga pulis sa buong bansa ang kanyang kautusan para sa pagpapasara ng mga ito sa mga PCSO outlets sa kanilang nasasakupan.

PCSO albayalde lotto closure