Dagupan City – Idinepensa ni National Security Adviser Gen. Hermogenes Esperon Jr., ang ginagawang hakbang ng gobyerno na ipasara ang nasa mahigit 50 paaralan umano ng mga lumad sa bahagi ng Mindanao.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, dahil sa patuloy na pagbatikos sa pagpapasara ng nasa 55 Salugpongan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. sa Davao region ng ilang militanteng grupo lalo na kay Education Secretary Leonor Briones.
Giit ni Esperon, makatarungan lamang ang naturang hakbang dahil ang mga paaralang ito ay napatunayang nagtuturo sa mga estudyante ng ideolohiya ng mga komunista laban sa pamaahalaan at kung paano mag-assemble ng baril bukod pa sa may sarili silang national anthem na ginagamit.
Dagdag pa ng reteradong AFP chief of staff, wala ring learners permit ang mga ito kaya’t ang mga bata na nag-aaral dito ay hindi make-credit ang kanilang pagpasok sa mga ganitong uri ng paaralan kayat dapat na ipasara.
Sa katunayan, inamin din ni Esperon na sa kaniya nagmula ang panukala matapos na matuklasan ang maling ginagawa sa mga lugar ito na ikinukubli bilang mga paaralan, kayat agad ito sumulat kay Sec. Briones upang ito magawan ng kaukulang aksyon.