Nagbabala ngayon ng Bureau of Internal Revenue na ipapasarado nito ang lahat ng mga hindi rehistradong online businesses.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na information campaign ng ahensya para sa lahat ng mga online merchants na iparehistro ang kanilang mga negosyo sa BIR.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., bahagi ito ng kanilang soft approach hinggil sa nasabing usapin, ngunit pagkatapos aniya nito ay magiging istrikto na ang kanilang kawanihan sa pagpapatupad ng polisiya.
Kaugnay nito ay sinabi rin niya na bukod sa ‘Plan Kandado’ na ipinatupad sa mga traditional brick and mortar ay magkakaroon din sila ng ‘Online Kandado’ kung saan ipapasara ng mga online selling platforms na hindi talaga magpaparehistro.
Aniya, layunin ng inisyatibang ito na tiyakin ang magiging accountability ng mga online sellers sa kanilang mga negosyo online na hindi rehistrado sa BIR.
Kung maaalala, una nang pinalawig ng ahensya ang ipinapatupad nitong regulation sa implementing period ng hanggang 90 araw o hanggang Hulyo 14 upang magbigay-daan naman para sa mga online merchants na hindi pa nakakapagsumite ng kanilang sworn declaration ng gross remittance.