-- Advertisements --
POGO 2

Nagbabala si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at Russia kung kaya ay apektado ang ekonomiya.

Ginawa ni Tengco ang pahayag nang tanungin tungkol sa posisyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ngayong isasaalang-alang na mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapasara nito dahil sa hindi magandang naidulot nito sa bansa.

Bukod dito, sinabi rin ni Tengco na ang mga lisensyadong Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na ito, tulad ng iba pang mga industriya, ay inaasahang kikita ng mas marami kumpara sa mga nakaraang taon na ang lahat ng industriya ay naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyan, halos 10% ng mga koleksyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay mula sa mga lisensya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) licenses.