DAGUPAN CITY–Hindi pabor ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagpapaskil na drug free na ang isang barangay.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, hindi ito bilib sa pagpapaskil ng mga karatula na may nakasulat na ‘This barangay is illegal drug free’ o ‘This is a drug cleared barangay’.
Paliwanag Diño, hindi ito bilib sa ganitong gawain ng mga barangay council dahil madalas pa nga aniya sa mga nagpapaskil ng ganitong mga karatula ay marami paring sangkot na illegal drug trade o hindi naman kaya ay doon pa nangyayari ang bentahan ng iligal na droga.
Kung hindi aniya ito tatanggalin ay pailitan nalamang ito ng ‘This barangay is a performing BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council)’.