Pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang pagpapalakas sa production at marketing ng bawang at sa buong bansa.
Ayon kay DA Undersecretary Cheryl Marie Natividad-Caballero, malaki ang potensyal ng garlic production sa Pilipinas.
Inihalimbawa ni Caballero ang Ilocos garlic na aniya’y gustong-gusto ng ibang mga bansa, sa kabila ng maliliit nitong size.
Ayon sa DA official, gumagawa na ng kaukulang programa ang DA upang masuportahan at mapreserba ang garlic heritage ng Ilocos na dati ring tinatawag bilang ‘Ilocos white gold’.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority(PSA), ang garlic production ng bansa ay 2.6% lamang ng taunang demand na 146,879 metriko tonelada kung saan ang mga probinsya ng Ilocos Norte, Nueva Ecija, at Batanes ang pangunahing prodyuser.
Ayon kay Caballero, inatasan na ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang regional offices ng DA sa Northern Luzon, lalo na sa Cagayan Valley upang bumili ng maraming planting materials ng Ilocos garlic at itanim ang mga ito pagsapit ng Setyembre.
Target aniya ng DA na mapataas ang production ng bawang sa buong bansa at maabot ang kahit 20% na domestic production hanggang sa susunod na taon.