Pinangangambahan ng mga ekonomista ang muling pagpapataw ni U.S. President Donald Trump ng malalaking taripa sa mga global trading partners ng Estados Unidos na a-aprubahan sa Abril 3, 2025.
Kung saan inihayag ni Trump ang layuning palakasin ang industriya ng manufacture sa America at itama ang mga hindi aniya ‘makatarungang kasanayan’ pagdating sa kalakalan.
Tinawag itong “Liberation Day” ng White House.
Ngunit pangamba ng mga ekonomista tatamaan ng mga taripa ang mga kaalyado at kalaban ng Estados Unidos na anila maaari nitong pahinain ang ekonomiya ng Estados Unidos, magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at maka-apekto sa mga global trades ng bansa.
Kaugnay nito ang 25% na unang ipinataw ng America sa mga auto imports ng bansang China, Canada, at Mexico.
Bagamat nananatiling positibo ang White House tungkol sa mga epekto ng taripa, maraming ekonomista ang nagbabala na makaka-apekto rin ito para sa mga kaalyadong bansa ng America.
Habang naghahanda naman ang ilang mga kaalyado nito tulad ng Canada at European Union, para sa mga countermeasures na ibibigay sa Estados Unidos.