Tiniyak ng PCSO ang pagpapatayo ng mga bahay sa mga Aeata sa Porac, Pampanga na apektado ng magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon kamakailan.
Sinabi ni PCSO Dir. Sandra Cam na mayroong P5 milyon na tulong na iaabot ang PCSO para sa pagpapagawa ng bagong bahay ng mga apektadong Aetas.
Ang nasabing halaga ay una nang naibigay ng PCSO bilang tulong sana sa mga biktima ng bagyong Usman noon pang Disyembre 2019 pero hindi naman nagamit ng Provincial Government dahil limang buwan matapos ang naturang kalamidad bago ito naibigay ng ahensya.
“Itong hindi nagamit na pondo ay irere-align namin ng PCSO Board para magamit na lang ng mga Aetas sa pagpapagawa ng kanilang bagong bahay,” ani Cam.
Malugod namang tinanggap ni Pampanga Gov. Lilia Pineda ang desisyon na ito ng PCSO.
May anim na ektaryang lupa raw sa Brgy. Babo Pangulo sa Porac, Pampanga na maaring pagtayuan ng mga bagong bahay ng mga apektadong Aeta.
Kumpleto na rin daw ito ng paaralan at health center.