-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Pinag-aaralan pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng tulay sa isla ng Boracay.

Sinabi ni DPWH Sec. Mark Villar sa kanyang pagbisita sa isla, hindi pa nila natalakay ang proposal ng isang kumpanya na balak magpatayo ng tulay na magdudugtong sa Boracay at Caticlan sa bayan ng Malay, Aklan na nagkakahalaga ng tinatayang P3 billion.

Iginiit ng kalihim na prayoridad ngayon ng kagawaran ang pagpapalapad at pagsasaayos ng kalsada.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga turista at residente dahil sa maalikabok at malubak pa ang ilang bahagi ng kalsada dala ng nagpapatuloy na construction.

Ang kalihim ay dumalo sa nationwide conference ng DPWH regional directors sa buong bansa na isinagawa sa isla.