-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagpapatayo ng campus ng Catanduanes State University sa bayan ng Pandan.

Si Congressman Leo Rodriguez ang naghain ng naturang resolusyon na target na maipasa ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Catanduanes State University Presidente Patrick Alain Azanza, sinabi nitong malaking tulong para sa mga residente ng island province ang naturang panukala kung sakaling maipapasa.

Hindi na kasi kinakailangan na magbiyahe pa ng mga mag-aaral patungo sa Virac.

Ayon kau Azanza, nasa 20% ng kanilang mga estudyante ang mula sa bayan ng pandan at mga kalapit na bayan na makikinabang sa hakbang.

Sa kasalukuyan ay isinasapinal umano ang mga kinakailangang dokumento subalit inaasahan na magiging mahaba pa ang proseso sa pagpapatayo ng bagong campus.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng Catanduanes State University ang mga kurso na maaaring maibigay sa pina-planong campus na ibabatay sa pangangailangan ng mga mag-aaral.