-- Advertisements --
adb ssistance covid
Photo courtesy from Asian Development Bank (ADB)

Inanunsiyo ng Asian Development Bank (ADB) na magbibigay sila ng $3 million grant sa Pilipinas upang pondohan ang pagtatayo ng isang laboratoryo na kayang magproseso ng 1,000 tests sa coronavirus disease sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa statement ng ADB, itatayo ang high tech na laboratoryo na may diagnostic equipment, testing kits at supplies sa Jose Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City sa Pampanga.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni ADB president Masatsugu Asakawa ang Pilipinas sa mabilis nitong mga hakbang upang harapin ang krisis sa COVID-19.

Iniulat pa ni Asakawa na ang kanilang suporta sa Pilipinas ay mula sa pondo na $6.5 billion initial package na una nilang inanunsiyo noong March 18.

Liban nito, bibilisan din daw ng ADB ang pagbibigay ng “three quick-disbursing, policy-based loans” na kabuuang $1.1 billion upang suportahan ang programa ng gobyerno at maging ang $500 million disaster resilience finance program.

Ang ADB ay itinatag noong taong 1966 na pag-aari ng 68 members kung saan 49 sa mga ito ay nasa rehiyong Asya.

ADB asakawa
ADB President Masatsugu Asakawa

“A $3 million grant ADB announced on 14 March will fund a new, modern laboratory with diagnostic equipment, testing kits, and supplies at the Jose Lingad Memorial Regional Hospital in San Fernando City in Pampanga,” ani Asakawa sa statement. “Once installed, the laboratory will be able to administer 1,000 COVID-19 tests per day.”

Samantala, nakipagpulong din naman nitong araw si ADB Pres. Asakawa kay Finance Secretary Carlos Dominguez upang pag-usapan kung paano pa mapag-iibayo ang government’s response sa coronavirus pandemic.