-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Nangako ti Benguet Caretaker Representative Eric Go Yap na tututukan nito ang Mixed Martial Arts (MMA) ng lalawigan matapos bumisita ang Team Lakay sa opisina nito sa Kongreso kamakailan lamang.

Ayon sa ACT-CIS Partylist Representative, malaki ang kontribusyon ng mga Cordilleran Fighters o ang Team Lakay sa sektot ng sports sa bansa lalo na sa rehiyon Cordillera.

Sinabi niya na ang pan-apak pa lamang nga mga Filipino fighters sa mga malalaking MMA promotions sa Amerika at dito sa Asya ay malaki na itong pagkakakilanlan ng Pilipinas.

Dahil dito, binabalak ni Rep. Yap na kausapin si Benguet Governor Melchor Diclas para maghanap ng bakanteng lote partikular sa Wangal Sports Complex para maitayo ang isang MMA Gym.

Pagkatapos ay hihingi sila ng pondo sa Kongreso para magamit sa pagpapatayo ng Gymn na makakatulong sa mga atleta.

Maalaalang nagtungo sa Kongreso sina Team Lakay head coach Mark Sangiao kasama sila One Championship champion Joshua Pacio, Brave Combat Champion Stephen Lloman at dating One Lightweight Champion Eduard Folayang upang ipila ang isang resolusyong kumikilala sa naiambag nilang kontribusyon sa Sports.