-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Kinilala ni Benguet Governor-elect Melchor Diclas ang mga dating opisya at mga bagong halal na opisyal ng lalawigan.

Sa isinagawang oathtaking at turnover ceremony sa Benguet Sports Center sa Wangal, La Trinidad Benguet ay pinasalamatan ni Diclas ang mga outgoing officials na nanilbihan sa lalawigan.

Kasabay nito ay inihayag ng bagong gobernador ang pagnanais nitong magpatayo ng karagdagang simbahan at mga ospital sa mga liblib na bahagi ng Benguet.

Pangunahin pang sinabi ni Diclas na tututukan niya ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka gayundin ang pagtatayugod sa responsible mining sa lalawigan.

Maliban diyan ay layunin din ni Diclas na maayos ang mga sports facilities na ginagamit ng mga atleta ng Benguet na nakikibahagi sa iba’t-ibang kompetisyon.

Papalitan ni Diclas sa pwesto si outgoing governor Crescencio C. Pacalso.