DAVAO CITY – Pinag-aaralan ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng oxygen plant sa lungsod bilang paghahanda kung tataas pa ang bilang ng mga nahawa ng covid-19 lalo na ang Delta variant.
Una ng sinabi ni Mayor Inday nga inasikaso na ang nasabing hakbang at naghahanap na ang lungsod ng mga oxygen tank suppliers at oxygen plant.
Nakipag-ugnayan na rin ngayon ang lokal na pamahalaan sa Food and Drug Administration (FDA) na siyang nagbibigay ng regular report patungkol dito.
Muling sinabi ng alkalde na kung tataas pa ang bilang mga nahawa ng Delta variant, gagamit ang lokal na pamahalaan ng parehong action plan na kinabibilangan ng testing, contact tracing at treatment.
Inihayag rin opisyal na patuloy ang kanilang pagpupulong sa pagitan ng DOH kung saan pinag-uusapan nila ang mga hakbang sakaling hindi patuloy ang pagtaas ng kaso ng Delta cases sa lungsod.
Katuwang rin ang lokal na pamahalaan sa pag-assist sa Southern Philippines Medical Center na nagsilbing command center sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kakailanganin na mga dokumento base na sa rin sa listahan na hiniling ng Department of Health (DOH).
Nagbibigay na rin ang lokal na pamahalaan ng mechanical ventilators kung saan kabilang sa mga benepisiyaryo ang apat na mga hospital sa siyudad.