Dumating na sa North Korea si Chinese President Xi Jinping para sa kaniyang two-day state visit sa bansa.
Inaasahan na tututukan sa pagpupulong ng dalawang pinuno ang patungkol sa nuclear negotiations at dahilan ng bigong summit ni Kim kasama si US President Donald Trump sa Hanoi, Vietnam noong Pebrero.
Una na rito ay inihayag na ng China na nais nitong siguraduhin na mananatiling maganda ang relasyon nito sa North Korea sa kabila ng hinaharap nitong patong-patong na sanctions mula sa Estados Unidos.
Sa kabila nito ay inalok naman ng China ang North Korea na tutulungan umano nitong kumbinsihin ang United States na tuluyan nang tanggalin ang mga sanctions na ipinataw sa kanilang bansa.
Inaabangan din ang gagawing pagpupugay ng dalawang pinuno sa Friendship Tower bilang pag-alaala sa Chinese troops na lumaban kasama ang North Korea noong 1950-1953 Korean War.