-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Migrant Workers na ang ginawang pagpapatibay ng Senado sa International Labour Organization Convention 190 ay magbibigay ng mas ligtas na workplace para sa OFWs.

Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Officer-In-Charge, Senior Undersecretary Hans Leo Cacdac, mailalayo na sa tiyak na panganib ang mga manggagawang Pilipino mula sa anumang karahasan at pagmamaltrato sa lugar na kanilang kinaroroonan.

Ayon kay Cacdac, maitataguyod nito ang dignidad at integridad ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Samantala, umaasa naman ang opisyal na sa pamamagitan nito ay mapoprotektahan ng rin ang mga manggagawang Pilipino mula sa diskriminasyon at pang aabuso.

Nagpasalamat naman ang opisyal kina Senate Foreign Relations Committee Chair Imee Marcos at Majority Leader Sen. Joel Villanueva dahil naging mabilis ang pagpapatibay nito