CEBU CITY – Malugod na tinanggap ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ang kautusan ni Environment Secretary Roy Cimatu na naghinto sa operasyon ng dalawang mining and extraction firms sa bayan ng Alcoy, Cebu.
Ayon kay Garcia na nagbunga ang isinagawang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensya sa lawak ng pagkasira ng kalikasan dulot ng naging operasyon ng Philippine Mining Services Corporation (PMSC) at Dolomite Mining Corporation (DMC).
Napatunayan, aniya, ng mga ahensya na may paglabag umano ang nasabing mining firms sa Environment Compliance Certificate (ECC) at water discharge permit.
Nakita sa naganap na site inspection na malaki ang pagkasira ng seabed sa nasabing bayan at nagkaroon ng heavy siltation dahil sa dolomite export.
Dahil dito, pinasalamatan ni Garcia si Cimatu dahil sa agaran nitong aksyon laban sa dalawang kompanya.