Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na magpapatuloy ang pagpapatrolya ng militar sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Sa katunayan aniya, pinalakas pa ng AFP ang kanilang presensiya sa territorial waters ng bansa kahit mahigpit na ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsali ng Pilipinas sa anumang naval drills sa pinag-aagawang teritoryo.
Nilinaw ni Gapay na naninindigan pa rin umaatras ang Pilipinas sa mga “claims” nito.
Ang patuloy na pagpapatrolya ng militar sa West Philippine Sea ay mensahe sa China at sa iba pang mga claimant countries na hindi umaatras ang Pilipinas sa claims nito.
“We are still asserting and protecting our sovereignty in that part of the country. Tuloy-tuloy ‘yan. We do that everyday,” pahayag ni Gapay.
Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa rin kinikilala ng China ang 2016 arbitration ruling na pumapabor sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Gapay na suportado nila ang hakbang ng commander-in-chief at naniniwala na ang isyu sa West Philippine Sea ay mareresolba sa pamamagitan ng diplomasya at “rules-based approach.”
Sa patuloy na modernization program ng AFP, lalo pang pinalakas nito ang kanilang external defense capability.
Sa ngayon, may mga bagong frigates ang Philippine Navy na kayang mapanatili ang operasyon nito sa karagatan.