VIGAN CITY – Naging panauhing pandangal si Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa Virtual 55th Commencement Excercise sa University of Northern Philippines sa Ilocos Sur.
Sa talumpati ni Nograles naiintindihan niya ang nararamdaman ng bawat magaarala na hindi ito ang gusto nilang selebrasyon ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ngunit sa kabila nito ang pagtatapos sa pagaaral ay isang malaking tagumpay sa mga magaaral na dapat ipagpasalamat.
Aniya, isa ang UNP sa mga paaralan sa bansa at sa buong mundo na nagsagawa ng virtual graduation at nagpapakita lamang ito ng pagkakaisa ng bawat tao kahit sa gitna ng pandemya.
Dagdag pa ng opisyal na kailangang ipagpatuloy ng mga nagtapos ang kaninalang plano at pangarap sa buhay at pansamantala lamang ang epekto ng coronavirus disease.